9 sugatan sa sunog sa Tondo

Firefighters extinguish a third alarm fire in a residential area along Road 10 in Tondo, Manila on January 6, 2025 which caused heavy traffic along the area.
Video by Noel Pabalate/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Siyam katao na kinabibilangan ng dalawang paslit at isang lola, ang sugatan nang sumiklab ang  sunog sa isang four storey  residential buil­ding sa Tondo, Manila kahapon ng hapon.

Ang mga biktima na pawang nagtamo ng mga paso at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at hirap sa paghinga ay kinilalang sina Nohan Gaizer Go, siyam buwang gulang; Rhiane Isidro, 3; Aida Daaco, 79; Emma Sa­nita, 39; Mary Grace Martinez, 48; Jennifer Base, 34; Michael Base, 40; Conrado Base Sr., 73; at Mel Magno, 35.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong alas-2:07 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali na matatagpuan sa C.P. Garcia St., Road 10, Moriones, Tondo.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, nasa 15 tahanan sa gusali ang matinding napinsala ng sunog at aabot sa 130 katao ang naapektuhan nito.

Tinataya ring aabot sa P250,000 halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

Dakong alas-3:14 ng hapon nang tulu­yang maapula ang sunog, na inaalam pa ang pinagmulan.

Show comments