MANILA, Philippines — May kabuuang 639,323 motorista ang nahuli ng mga elemento ng Land Transportation Office (LTO) sa iba’t ibang paglabag sa batas trapiko noong 2024 o may taas na 20.75 percent kumpara sa 12-month period noong 2023 na nasa 529,439 drivers ang nahuli ng ahensiya.
Ang LTO-Calabarzon ang may pinakamaraming nahuling pasaway na drivers na nasa 109,159 na sinundan ng Cagayan Valley Region-70,855.
Nabatid din kay LTO Chief Vigor Mendoza na may kabuuang 29,709 motor vehicles ang na–impound noong 2024. Ito ay nagpapakita ng 21.93 percent taas sa 24,366 motor vehicles na na-impound noong 2023.