Libreng sakay sa LRT-2 sa Disyembre 30

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng libreng sakay ang light rail transit (LRT)-2 sa Disyembre 30, isang regular holiday  bilang paggunita sa national hero na si Fr.  Jose Rizal.

Sa Facebook post ng Light Rail Transit Authority (LRTA), may mga piling oras lamang ang  libreng sakay sa umaga at gabi.

Maaring makinabang sa libreng sakay simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga  at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Nagpaalala rin ang LRTA ang mga pasahero na sumunod pa rin sa health, safety at security protocols para makaiwas sa COVID-19 at sakuna.

Kasabay nito, nagpaalala rin ang LRTA na hanggang sa Disyembre 31 na lang ang libreng sakay ng Edsa carousel.

Una nang ipinatupad ang 24 hours na  biyahe sa Edsa carousel habang ang libreng sakay dito ay mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

Ang “libreng sakay” program sa Edsa carousel  ay pinondohan ng P1.4 bilyon ng Department of Budget and Management (DBM) hanggang sa katapusan ng 2024, sa layunin ng gobyerno na makatulong sa mga kababayan dahil sa nararanasang  patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin at mapagsilbihan ang mga commuter na nagtatrabaho sa gabi lalo na sa  mas mahabang mall hours ngayong holiday season.

Show comments