LTO-Parañaque chief nasa hot water

Land Transportation Office in JT Centrale, December 17, 2024.

Dahil sa non appearance registration ng truck

MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ni Land Transportation Office chief Vigor D. Mendoza II ang LTO district office head ng Parañaque kaugnay ng maanomalyang pagrerehistro ng trak na nasangkot sa nagdaang madugong aksidente sa Parañaque City kung saan isa ang namatay habang lima ang sugatan.

Ayon kay Mendoza ang hakbang ay bahagi ng ginagawang masusing imbestigasyon ng ahensiya sa naganap na aksidente.

Ang naturang trak na isang Isuzu Wing Van na may plakang Plate No. JA06375 ay dumanas nang brake malfunction dahilan upang mabangga nito ang iba pang sasakyan sa naturang lugar.

“We want to have a clear explanation from the LTO officer involved, under the concept of command responsibility, as to why the truck was able to register without the necessary road worthiness inspection,” sabi ni Mendoza.

Limang araw ang ibinigay ng LTO upang magpaliwanag ang LTO officer kung bakit nairehistro ang naturang trak kahit ito ay hindi road worthy.

Una rito may tatlong LTO officers ang naparusahan ni Mendoza dahil sa maanomalyang transaksyon sa kanilang opisina.

Show comments