Veloso nasa kustodiya na ng CIW

After 15 years of imprisonment for drug trafficking in Indonesia, Mary Jane Veloso was finally reunited with her family at the Correctional Institution for Women in Mandaluyong City.
(Photos courtesy of BuCor PIO) | via Christine Boton

MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ng Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City si Mary Jane Veloso matapos itong lumapag sakay ng Cebu Pacific Flight SJ 760 sa Ninoy Aquino International Airport-Terminal 3 alas-5:51 ng umaga mula sa Soekarno-Hatta International Airport sa Jakarta.

Hindi na nagkita sa paliparan si Veloso at pamilya nitong sasalubong at sa halip ay pinayagan ng BuCor na makapasok sa CIW ang pamilya nito na naging emosyonal ang tagpo lalo na nang patakbong yumakap ang dalawang anak, at ang mga luha ng mga kapamilya lalo na ang ama na nakasakay sa wheelchair matapos mahilo.

Ayon kay Bureau of  Correction Director Catapang, hindi nila ipinosas si Veloso bilang pagsunod na rin sa mga tuntunin ng pangkalahatang aplikas­yon ng Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners na pinagtibay ng First United Nations Congress on the Prevention of Crime and the Treatment of Offenders.

Bago ang mandator­yong paglalagak kay Veloso sa Reception and Diagnostic Center para sa 5-araw na quarantine at isang 55-araw na orientation, diagnostic evaluation, at initial security classification, inihain sa kaniya ang pagkain kabilang ang paboritong adobong baboy.

Tiniyak ni Catapang sa pamilya ni Veloso na pagkatapos ng karaniwang 5-araw na quarantine period para sa bagong taong pinagkaitan ng kalayaan kung saan siya ay sasailalim sa isang komprehensibong medikal at pisikal na pagsusuri, maaari nilang bisitahin si Veloso sa araw ng Pasko.

Show comments