Manila LGU namahagi ng cash gift sa mga graduating students ng UDM at PLM

Nabatid na ang mga student-recipients, na magsisipagtapos mula sa Universidad de Manila (UdM) at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), ay tumanggap ng tig- P2,000 bilang gradua­tion gift.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Nakatanggap ng cash gift mula kina Manila ­Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang libu-libong graduating students mula sa mga uni­bersidad na pinatatakbo ng lungsod.

Nabatid na ang mga student-recipients, na magsisipagtapos mula sa Universidad de Manila (UdM) at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), ay tumanggap ng tig- P2,000 bilang gradua­tion gift.

Ayon kay Lacuna, nasa 1,817 ang beneficiaries mula sa UDM habang 3,772 naman ang mga mula sa PLM.

Sa idinaos na Cere­monial Graduation Cash Gift distribution para sa graduates ng UDM kung saan nakasama niya si UdM President Dr. Felma Carlos-Tria, nanawagan si Lacuna sa mga estud­yante na gawing proud ang kanilang mga magulang sa pamamagitan nang pag-excel sa anumang landas na kanilang tatahakin.

Binati rin niya ang mga ito sa matagumpay nilang pagtatapos.

Show comments