10K pulis todo alerto sa Simbang Gabi

Ayon kay NCRPO chief PBGen. Anthony Aberin, nakalatag na ang mga pulis sa mga simbahan sa mga inilagay na Police Assistance Desk (PADs) at lansangan kasabay ng deployment ng mga pulis sa mga bus terminal kung saan marami na ang nagsisimula nang magsiuwi ng probinsiya.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Ikakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasa 10,000 pulis simula ngayong unang araw ng Simbang Gabi hanggang sa Christmas Eve gayundin sa mga transportation hub kaugnay ng inaasahang dagsa ng mga biyahero na uuwi sa probinsiya.

Ayon kay NCRPO chief PBGen. Anthony Aberin, nakalatag na ang mga pulis sa mga simbahan sa mga inilagay na Police Assistance Desk (PADs) at lansangan kasabay ng deployment ng mga pulis sa mga bus terminal kung saan marami na ang nagsisimula nang magsiuwi ng probinsiya.

Sinabi ni Aberin na sa mga ganitong okasyon ay dumarami ang insidente ng snatching at mandurukot kaya kaila­ngan ang puwersa ng pulis at barangay.

Ani Aberin, may augmentation din manggagaling sa District Mobile Force Battalion at Regional Mobile Force Battalion upang masi­guro na agad-agad na marerespondehan at maayudahan ang mga nanga­ngailangan ng tulong.

Samantala, umapela naman si Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David sa mga pari na paghandaan at magbigay ng makabuluhang homilies sa Simbang Gabi.

Ani David, ito ang panahon na kailangan ng publiko ang paalala sa mga salita at gawa ng Diyos kaya hindi dapat na sayangin ng mga pari ang pagkakataon.

Show comments