Pinalawak na Rice-for-all program ng DA, sakto sa pasko - Navotas solon

“Mabibili na sa mas marami pang public markets, pati na train stations, ang P40 kada kilo na bigas kaya maiibsan din nito ang mga gastusin ng ating mga kababayan,” pahayag ni Tiangco.
STAR/ File

Sakto sa kapaskuhan! 

MANILA, Philippines — Ito ang inihayag ni Navotas City Rep. Toby Tiangco na pinapurihan ang Department of Agriculture (DA) sa pagpapalawak ng implementasyon ng Rice-for-All program at ginawang abot kaya ang presyo ng bigas ngayong kapaskuhan.

“Mabibili na sa mas marami pang public markets, pati na train stations, ang P40 kada kilo na bigas kaya maiibsan din nito ang mga gastusin ng ating mga kababayan,” pahayag ni Tiangco.

Sinabi ni Tiangco na ang programa ay naayon sa commitment ng administrasyon para labanan ang inflation at ibaba ang presyo ng mga pagkain.

“The President’s marching orders have always been clear - we must take every step possible to keep prices down and help Filipinos deal with inflation. Itong karagdagang areas na mag-ooffer ng murang bigas ay patunay na seryoso si President Bongbong sa pagtupad sa kanyang commitment sa ating mga kababayan,” ani Tiangco.

Tiwala si Tiangco na patuloy na  lalawak ang programa upang mas maraming Pilipino ang  makabibili ng mga pangunahing bilihin sa mas mababang presyo.

Sa pahayag ng DA ang P40 kada kilo ng bigas ay mabibili sa Maypajo Public Market sa Caloocan City, Murphy Market at Cloverleaf sa Balintawak, Quezon City, La Huerta sa Parañaque City at Trabaho Market sa Sampaloc, Manila .

Samantalang ang Rice -for-All program ay mabibili rin sa LRT Recto Station sa lungsod ng Maynila at MRT stations sa Ayala, North Avenue at Cubao; pawang sa Quezon City.

Show comments