Ina, sex slave 2 paslit na anak, video ibinebenta!

Nakapiit na ang suspek na si alyas Princess, 32, ng Alvarado Extension, Tondo, habang nasagip naman ng mga awtoridad ang kanyang dalawang anak na lalaki, na may edad 7 at 10.
Pixabay

MANILA, Philippines — Isang ginang ang ­inaresto ng mga awto­ridad sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi bunsod nang umano’y paggawa ng sex video kasama ang kanyang dalawang menor-de-edad na mga anak na ibinebenta naman sa kanyang mga dayuhang  costumer online.

Nakapiit na ang suspek na si alyas Princess, 32, ng Alvarado Extension, Tondo, habang nasagip naman ng mga awtoridad ang kanyang dalawang anak na lalaki, na may edad 7 at 10.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), dakong alas-6 ng gabi nang maaresto ang suspek sa Fermin
Tubera St. sa Tondo ng pinagsanib na puwersa ng Women’s and Children Complaint Section (WCCS), District Special Operations Unit (DSOU), at Manila District Anti-Cybercrime Team (MDACT).

Ayon Kay PCapt. Veronica Apresurado, hepe ng MPD-WCCS, nag-ugat ang pagkakaaresto ng  suspek sa sumbong ng isang concerned citizen sa ilegal na gawain nito.

Sinasabing ginagawan ng kahalayan ng suspek ang kanyang mga anak at ibini-video saka ibebenta  sa online.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa  suspek.

Narekober ng mga pulis ang kopya ng video ng malalaswang gawain ng suspek.

Depensa naman ng suspek, unang pagkakataon lamang niyang  ginawa ito. Subalit ayon sa magkapatid, mara­ming beses na silang nag-rekord ng malalaswang video.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 11930 o ‘The Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC)’ at ‘Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act’ at RA 7610 o ‘The Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act’ ang suspek sa piskalya habang ang kanyang mga anak ay kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Show comments