‘Unity’ Christmas Tree ng Las Piñas pinailawan

MANILA, Philippines — Nagsimula nang magningning ang  ‘unity’ Christmas tree sa Las Piñas City nang pangunahan nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar kasama ang mga miyembro ng City Council, department heads, at mga residente mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang pagpapailaw nitong Biyernes.

Ayon kay Mayor  Imelda, ang taunang tradisyon ay sumasalamin sa dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod sa pagsusulong ng pagkakaisa at saya sa mga mamamayan nito.

“This tree lighting is not just about the beautiful lights and decorations - it is a symbol of the spirit that makes Las Piñas truly special. It reminds us of the importance of unity, of coming together as one community to share in the joy of the season and to uplift each other,” ani Vice Mayor April Aguilar.

Lalo pang sumaya ang okasyon kasabay ng  pagtatanghal ng Las Piñas Boys Choir, dala ng kanilang mala-anghel na boses na akma sa Kapaskuhan. Inabangan din ang special performances ng celebrity guests na sina Ms. K Brosas at Anthony Meneses.

Show comments