187 POGO workers idineport pabalik ng China

Around 190 illegal Chinese workers who were arrested at the Philippine offshore gaming operation (POGO) hubs in Tarlac, Cebu, and Pampanga will be transported to Ninoy Aquino International Airport for deportation on December 5, 2024
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinadeport na kahapon pabalik ng China ang nasa 187 na empleyado ng POGO (Philippine Offshore Gaming Operations) na mula sa iba’t ibang lugar sa bansa kaugnay ng paglabag sa Migration Law ng Pilipinas.

Nabatid na ang mga POGO workers ay mula sa mga POGO hubs na sinalakay ng mga awtoridad kabila ang 122 sa 3D Analyzer sa Pasay; 57 sa Tourist Garden Hotel sa Lapu-Lapu City, Cebu at 11 mula sa Zun Yuan Technology sa Bamban, Tarlac, SmartWeb Technology sa Pasay, at Clark, Pampanga.

Orihinal na 190 POGO workers ang naka-schedule na ma-deport ngunit tatlo ang naantala ang deportation dahil sa hindi pa tapos na dokumento.

Pagdating sa China, ang mga POGO workers ay iimbestigahan para sa posibleng pagkakasangkot sa mga online scamming activities.

Minomonitor ng gobyerno ang mga POGO workers na nasa bansa pa at hinihikayat na boluntaryong umalis bago ang deadline sa Disyembre 31.

Nabatid na sa Enero, may joint operation ang mga awtoridad laban sa mga natitirang POGO operators pagkatapos ng itinakdang deadline ng pamahalaan.

Samantala, ang mga anak ng mga POGO workers sa kanilang mga Pinay partner ay ikokonsulta sa DSWD at Chinese Embassy para sa kapakanan ng mga sanggol.

Show comments