Mayoral bet patuloy ang ayuda sa Pasigueño

Ang mayoralty candidate na si Sarah Discaya kasama ang kanyang asawang si Curlee Discaya.
STAR/File

MANILA, Philippines — Libreng concert at tuluy-tuloy na ayuda ang handog ng Mayoral bet ng Pasig City na si Sara Discaya sa mga maralitang Pasigueños.

Tugon ito ni Discaya sa umano kampo ng kanyang makakalaban sa election matapos na tukuyin siyang nasa likod ng mga mapanirang ba­lita laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

“Wala kaming kina­laman at lalong wala kaming panahon sa mga isyung negatibo na ipinahihiwatig ng butihing alkalde na gawa namin… kasi abala kami sa pagbigay ng tulong sa kapus-palad na­ting kababayan… at kung paano natin sila mapasaya nitong Kapaskuhan,” ani Discaya.

Ani Discaya, kailanman ay hindi siya namigay ng milyong piso para manira ng kapwa at sa halip ay itinutulong na lamang niya sa mga taga-Pasig.

Hindi umano dapat na ikagalit ng alkalde ang pamimigay niya ng ayuda at tulong sa Pasigueño dahil iisa lamang ang kanilang hangarin na makapaglingkod.

Sa tala ng St. Gerrard Charity Foundation, libu-libong mga Pasigueño na ang nabiyayaan ng iba’t ibang ayuda gaya ng chairs, tables, kilo-kilong bigas at palugaw ng Kusina ni Ate Sarah bukod pa sa medical checkup, mga gamot at wheel chair.

Show comments