MANILA, Philippines — Ginunita at ipinagdiwang ni Senate Majority Leader Francis ‘TOL’ Tolentino ang ika-161 araw ng kapanganakan ng rebolusyonaryong lider na si Andres Bonifacio sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo sa mga kapwa Manileño.
Nagtungo si Tolentino sa Barangay 667, Zone 72, sa Ermita, Maynila nitong Sabado upang saksihan ang inagurasyon ng barangay hall at multi-purpose center nito na sumailalim sa rehabilitasyon at refurbishing ang gusali sa tulong ng senador.
Pinangunahan din ng senador ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa 750 mahihirap na residente ng barangay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Ang rehabilitasyon ng barangay hall, kabilang ang pagdaragdag ng isang multi-purpose center ay magbibigay-daan sa mga pinuno nito na makapaglingkod sa mas maraming nasasakupan at mapalawak ang kanilang mga serbisyo,” dagdag niya.
Kasama ni Tolentino sina Barangay 667 Chairwoman Margarita Mendoza Clemente, Chairman Emeritus Manuel Mendoza, mga barangay kagawad at residente. Kasama rin ng senador ang anak na si Patrick sa nasabing aktibidad.