Bangkay ng lalaki lumutang sa Pasig River

Sa ulat ng Manila Police District, alas 10:45 ng umaga ng Nob­yembre 24 nang ma­tagpuan ang bangkay sa Pasig River, sa gilid ng Muelle Dela Industria, sakop ng Barangay 275, Binondo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isangbangkay ng lalaki ang natagpuang lumulutang sa Pasig River, sa bahagi ng Binondo, Maynila, Linggo ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa 35-40 taong gulang, nakasuot lamang ng itim na boxer shorts.

Sa ulat ng Manila Police District, alas 10:45 ng umaga ng Nob­yembre 24 nang ma­tagpuan ang bangkay sa Pasig River, sa gilid ng Muelle Dela Industria, sakop ng Barangay 275, Binondo.

Nabatid na nadiskubre ni CCGNO Marco Marasigan ng PCG at iniahon sa pamamagitan ng tali.

Hawak ni Patrolman Dennis Dela Cruz, homicide investigator, ang kaso para matukoy kung may foul play o aksidenteng nalunod ang biktima.

Show comments