MANILA, Philippines — Pinalitan na ni Brig. Gen. Anthony Aberin si Maj. Gen. Sidney Hernia bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ito’y batay sa inilabas na order ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil kasabay ng pagtatalaga naman kay Hernia bilang commander of the Area Police Command (APC) - Southern Luzon.
Si Aberin ay dating director ng Police Regional Office (PRO)-Central Visayas.
Oktubre 9 nang italaga si Hernia bilang NCRPO chief subalit tinanggal sa puwesto nitong Nobyembre 7 matapos na masangkot sa raid sa umano’y isang scam hub sa Maynila.
Ni-relieved din si Anti Cybercrime Group chief Maj. Gen. Ronnie Francis Cariaga. Ipupuwesto si Cariaga sa APC-Northern Luzon kapalit ni Brig. Gen. Arnold Ardiente na muling itinalaga PRO-12 (Soccsksargen).