Mayor Joy itinanghal na Digital Democracy Champion

Mayor Joy Belmonte QC.
Mayor Joy Belmonte / Facebook Page

MANILA, Philippines — Itinanghal na Digital Democracy Champion si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ginanap na  Digital Democracy Awards 2024 na pinangasiwaan ng Makati Business Club.

Ayon kay Mayor Belmonte, ang parangal ay mas magpapaigting pa sa pagpapatupad ng pangako para sa isang malinis na pamayanan.

“We are one with the Makati Business Club in the shared vision of promoting good governance through digital democracy. This recognition further strengthens our commitment to harnessing digital tools to foster transparency, inclusivity, and meaningful citizen participation.” dagdag ni Mayor ­Belmonte.

Bukod sa tinanggap na  Digital Democracy Champion award, nakuha rin ng alkalde ang   People’s Participation Award  kumikilala sa mga natatanging Lingkod Bayan sa bansa.

Nagpasalamat si Mayor Joy sa suporta  ng QCitizen at nangakong   patuloy na seserbisyuhan ang mga ito.

Ani Mayor Joy, hindi lamang niya tagumpay ito kundi tagumpay ng  city government at  mga taong nagtitiwala at sumusuporta sa kanya.

Show comments