Lalaki todas sa mga tambay

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang makaalitan ang grupo ng mga tambay kahapon ng umaga sa Quezon City.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Rosario Maclang Hospital ang buhay ng biktimang si Orlan Martillosa ­Ocampo, 22, residente ng Pampanga St., Barangay Payatas-B, Quezon City.

Pinaghahanap naman ang mga suspek na sina alyas Aped, 20 at alyas JM, 19 kapwa residente ng Brgy. Payatas B, na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

Batay sa imbestigas­yon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente dakong alas-6:55 ng umaga sa panulukan ng Alley 1 at Bulacan St., Barangay Payatas-B, ng naturang lungsod.

Lumilitaw na lumapit ang lasing na biktima sa grupo ng mga suspek hanggang sa humantong sa pagtatalo at suntukan.

Kasunod nito, pinagtulungan din ng mga suspek na saksakin ang biktima hanggang sa bumagsak sa semento.’

Nagtamo ng mga saksak sa katawan ang biktima.

Show comments