Bawas presyo ng petrolyo sa susunod na lingo

Ito ay makaraang ianunsyo ng mga kompanya ng langis na may aabutin ng mula 70 centavos hanggang 90 centavos ang bawas presyo sa kada litro ng diesel, 80 centavos naman hanggang P1 kada litro ang bawas presyo sa gasolina at aabutin naman ng mula 70 centavos hanggang 90 centavos kada litro ang bawas presyo sa kerosene.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Matapos maipatupad ang Bigtime Oil price hike nitong linggong ito, magkakaroon naman ng bawas presyo ang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ay makaraang ianunsyo ng mga kompanya ng langis na may aabutin ng mula 70 centavos hanggang 90 centavos ang bawas presyo sa kada litro ng diesel, 80 centavos naman hanggang P1 kada litro ang bawas presyo sa gasolina at aabutin naman ng mula 70 centavos hanggang 90 centavos kada litro ang bawas presyo sa kerosene.

Sinasabing ang apat na araw na galaw sa ­presyuhan ng petrolyo ang ugat ng oil price rollback. Tuwing araw ng martes ipinatutupad ang oil price adjustment.

Show comments