PNP susuyurin bahay ng mga gun owner

Sinabi ni PNP Public Information Office chief PBGen.Jean Fajardo, ang CSG ang magsasagawa ng physical accounting ng mga baril ng mga lisensiyadong gun owner.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pag­hahanda sa nalalapit na 2025 midterm elections, magbabahay-bahay ang Philippine Nationala Police Civil Security Group ng inspeksiyon at beripikasyon ng mga lisensiyadong baril ang mga gun owner.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief PBGen.Jean Fajardo, ang CSG ang magsasagawa ng physical accounting ng mga baril ng mga lisensiyadong gun owner.

Sasailalim sa inspeksiyon ng CSG ang nasa mahigit 2,000 Type 5 gun owner kung saan pinapayagan itong magmay-ari ng mahigit sa 15 baril.

Aniya, makakatanggap muna ng sulat mula sa CSG ang mga gun owner para sa kanilang gagawing beripikasyon at accounting.

Isasagawa ng mga uniformed personnel ang inspeksiyon at sakaling mayroong makitang paglabag sa firearms regulation ang isang gun owner ay maari itong masampahan ng admi­nistrative sanctions.

Kinakailangan din na ang kanilang lisensyadong mga baril ay nasa address na nakalagay sa kanilang lisensya gayundin na dapat ay mayroong lock ang pinagtataguan ng mga ito.

Nilinaw din ni Fajardo na iba ito sa Oplan Katok dahil ang target dito ay ang mga expired na mga lisensya ng firearms registration.

Dagdag pa ni Fajardo, isa lamang ito sa security measures na ipinatutupad ng PNP habang papalapit ang halalan.

Show comments