MANILA, Philippines — Asahan na higit P1 dagdag sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes.
Sa Martes posibleng ipatupad ang P1.10- P1.40 sa gasoline; P1.70-P1.90 sa diesel; at P1.10-P1.20 naman sa kerosene.
Ipinaliwanag ni DOE Oil Industry Management Bureau assistant director, Director Rodela Romero, na bunsod ito ng mahinang palitan ng piso at pagsisimula ng panahon ng bagyo sa Estados Unidos.
Nakadagdag din ang sunud-sunod na hurricanes o bagyo ang nakakaapekto sa Gulf of Mexico kung saan naroon ang oil rigs ng US.
Naantala rin ang nakatakdang pagpapataas ng produksyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) at ang US Federal Reserve na planong magbawas ng interest rate upang matugunan ang inflation.
Mas maraming piso ang kakailanganin ng gobyerno para sa pagbili ng mga produktong petrolyo gamit ang dolyar.