MANILA, Philippines — Inulat kahapon ni Quezon City Police (QCPD) Director PCol. Melecio Buslig, Jr. ang pagkakaaresto sa pitong Wanted Persons kabilang ang isang District Level Most Wanted sa bisa ng mga warrants of arrest sa magkakahiwalay na operasyon kamakalawa ng hapon.
Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pamumuno ni PMaj Don Don M Llapitan, kinilala ang nadakip na si John Jaeron de Rueda, 19, ng Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City. Inaresto ito dakong 9:15 ng umaga sa No. 54 Abra St., Alley 2 Bago Bantay Quezon City sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na inilabas ng Branch 13, Regional Trial Court (RTC) Quezon City.
Dakong alas-11:30 naman ng umaga nang madakip ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni PMaj. Allan Ranier Cabral ang No. 10 Station Level MWP ng La Loma Police Station (PS 1) na si Remuel Barredo, 26, sa kahabaan ng Katipunan Avenue, LRT-2 Station, Brgy. Loyola Heights, Quezon City. Wanted ito sa kasong Acts of Lasciviousness na inisyu ng Branch 6, Family Court, Manila.
Sa isa pang operasyon, dakong 7:00 ng gabi sa kahabaan ng Garcia St., Marick Subd., Brgy. Sto, Domingo, Cainta, Rizal, naaresto ng Novaliches Police Station (PS 4) sa pamumuno ni PLtCol Josef Geoffrey Lyndon Lim kasama ang personnel ng DID-DPIOU MPD ang suspek na si ng Brgy. Sto, Domingo, Cainta, Rizal. Nakalista naman ito bilang No. 6 Station Level MWP sa kasong Rape na inisyu ng Branch 106, RTC, Quezon City.
Sa Fairview Police Station (PS 5) naman sa pamumuno ni PLt Col Richard E Mepania, naaresto ang No. 4 Station Level MWP na si Mark Loise Basilio , 24 at residente ng Pandacan, Manila dakong 7:00 ng gabi sa Pearl St., Brgy. Greater Fairview, Quezon City. Siya ay nahaharap sa kasong Rape na inisyu ng Branch 37, RTC, National Capital Judicial Region, Manila.
Sa ilalim ng pamumuno ni PLt Col Zachary Capellan, dinakip si Wesley Peñalosa Alfaro, 35, na No. 3 wanted sa Station Level sa BJMP Urdaneta Male Dorm, Urdaneta City, Pangasinan dakong alas-7 ng gabi para sa kasong paglabag sa R.A. 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016 na inisyu ng Branch 91, RTC, National Capital Judicial Region, Quezon City.
Bandang alas-10:45 ng umaga nang masakote ng Kamuning Police Station (PS 10) sa pamumuno ni PLtCol. Leonie Ann Dela Cruz ang kanilang No. 5 Station Level MWP na si Ma. Cielo Barranco Gaza, 51, ng Brgy. Mariana, Quezon City sa Brgy. Hall ng Brgy. Immaculate Conception para sa kasong Qualified Theft na inisyu ng Branch 77, RTC, Quezon City.
Maging ang Project 6 Police Station (PS 15) sa pamumuno ni PLtCol Roldante S Sarmiento ay nakahuli ng most wanted person sa katauhan ni Rogelio Palmis Canda, 28 ng Brgy. 8, Caloocan City dakong 9:00 ng gabi sa Block 13, Lot 1, Salmon St., Brgy. 8, Caloocan City. Siya ay may kasong Frustrated Murder na inisyu ng Branch 83, RTC, Quezon City.
Tiniyak ni Buslig na hindi titigil ang kapulisan sa paghahanap ng mga wanted at maiharap sa batas.