‘Plate No. 7’ ng SUV na nanagasa ng enforcer peke — LTO

MANILA, Philippines — Walang inisyu ang Land Transportation Office (LTO) na protocol plate no. 7 sa SUV na dumaan sa Edsa Bus way at nanagasa ng traffic enforcer sa Guadalupe Station kamakailan.

Ayon sa LTO, tinata­yang nasa 30 sasakyan na katulad ng model ng van ang may protocol plate 7 na pawang mga pekeng plaka.

Ang plate no. 7 ay iniisyu sa sasakyan ng mga Senador.

Dahil dito,  naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office sa may-ari ng SUV na may protocol number 7 na dumaan sa EDSA bus way.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, may ginagawa nang imbestigasyon ang kanilang hanay hinggil dito

“Clearly, there were violations committed and that included the beha­vior of the driver of the sports utility vehicle that put to danger the DOTr-SAICT enforcers who were only doing their job,” ani Mendoza.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang LTO sa Department of Transportation-SAICT para matukoy ang regis­tered owner.

Bunsod nito may paalala ang LTO sa mga motorista na mas makabubuting sumunod sa regulasyon upang makaiwas sa aberya o kaso.

Show comments