Putol-kuryente sinuspinde ng ERC

Photo shows Meralco linemen examining a transformer in Navotas City on August 3, 2024.
STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inatasan kahapon ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga power firms sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine, na suspindihin muna ang pamumutol ng kuryente sa kani-kanilang nasasakupan at sa halip ay magpatupad ng flexible bills payment schemes hanggang sa Disyembre upang mapagaan ang pasanin ng mga apektadong consumers.

Sa abiso ng ERC, sinabi nito na ang kautusan ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pag-aralan ang pagpapatupad ng moratorium sa electri­city line disconnections at payment collections matapos ang malawakang pinsalang idinulot ng naturang bagyo sa bansa kamakailan.

“All Distribution Utilities (Dus) in areas placed under a State of Calamity due to STS Kristine are hereby directed to SUSPEND electri­city line disconnections of residential and non-residential consumers in the captive market with a monthly electricity consumption not excee­ding 200 kilowatt-hours (kWh), for non-payment of electricity bills for the billing period of October 2024 until December 2024, subject to provisions of this Advisory,” nakasaad sa abiso.

Anang regulatory body, ang mga DUs ay maaari namang mag-alok ng alternatibong payment terms na ‘mutual­ly agreeable’ sa kanila at sa kanilang consu­mers, na ang monthly consumption ay hindi lalampas sa 200 kWh sa panahon ng billing pe­riods na October hanggang December 2024.

Nabatid na mayroong kabuuang 158 lugar na nagdeklara ng state of calamity matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine.

Show comments