Lalaki hulog sa EDSA-Cubao underpass, pisak sa trak

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang mahulog sa isang underpass at masagasaan pa ng truck kahapon ng madaling araw sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon nangyari ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa EDSA-Cubao underpass ng nabanggit na lungsod.

Sa pahayag ng driver ng tanker truck, nagulat na  lamang siya nang biglang lumagapak sa hood ng kanyang sasakyan mula sa taas ang biktima.

Dala ng matinding­ gulat, nagpreno ang­ driver dahilan para ma­laglag ang biktima at masagasaan.

“Parang may naramdaman ako, may nagulungan, kaya inantay ko na lang na kinumpirma ko kung ano ‘yung nagulungan ko. May nagsabi na sa akin, tao daw ‘yung nagulungan ko kaya inantay ko na lang na may dumating na imbestigador,” anang driver.

Dead-on-the-spot ang biktima na inilarawang may katandaan na.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon pulisya kung ihinulog o sadyang tumalon ang biktima.

Show comments