Chinese itinumba ng kapwa Chinese sa loob ng resto

Dead on arrival sa Makati Medical Center ang biktimang si alyas “Liu”.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 29-anyos na Chinese national nang barilin ng pinaniniwalaang high profile gunman na Chinese looking din, sa Makati City noong Huwebes, sa isang hotpot restaurant sa Makati City.

Dead on arrival sa Makati Medical Center ang biktimang si alyas “Liu”.

Sa ulat Palanan Sub-station, dakong alas- 2:20 ng madaling araw Oktubre 17 nang maganap ang pamamaril sa biktimang gunman na may kasamang lalaking bodyguard sa loob ng VIP Room ng Kungfu Chili Group Incorporated, sa Buendia Avenue, Barangay San Antonio, Makati City.

Sa kuha ng CCTV, makikita na natumba pa sa kalasingan ang biktima habang nag-uusap-usap sila ng suspek sa VIP room, habang nakikinig lamang ang babaeng kasama ng biktima, at isang bodyguard ng suspek.

 Maya-maya ay iniabot ng bodyguard sa suspek ang isang baril, nagpaputok sa ere  at nasundan na ng pagbaril mismo sa biktima ng apat na beses na tinamaan sa dibdib, sa kaliwang palad, at braso.

Kaswal na umalis lang ang suspek at bodyguard, na bago tuluyang lumabas ay sinampal-sampal pa ng mahina ang manager ng restaurant.

Makikita sa hiwalay na CCTV footage na isinara na ng guwardiya ang gate ng establisim­yento subalit binunggo lamang ito ng sasakyang itim ng suspek.

Patuloy pa ang manhunt operation laban sa gunman at kasama nito.

Nakipag-ugnayan na rin sa Land Transportation Office ang pulisya subalit malabo pang matukoy ang pagkilanlan ng suspek dahil makailang beses nang nailipat ang rehistro sa magkakaibang pangalan. Hindi rin umano kilala ang suspek ng Chinese community kaya nakikipag-ugnayan pa ang Makati Police ang sa China Embassy.

Tinitingnan ang anggulong negosyo at love triangle.

Show comments