4 PNP ranking officers ni-reshuffle

MANILA, Philippines — Apat na matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang itinalaga sa panibagong posisyon kaugnay ng panibagong revamp  o balasahan sa orga­nisasyon, ayon sa ulat nitong Sabado.

Ang rigodon na nilagdaan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil nitong Oktubre 17 ay epektibong ipinatupad nitong Sabado.

Kabilang sa binalasa ay si Eastern Police District (EPD) Director Brig. Gen. Wilson Asueta na itinalaga naman bilang Officer -in-Charge sa  Office of the Deputy Commander ng Area Police Command (APC)  sa Southern Luzon.

Si Northern Police District (NPD) Director Brig. Gen. Rizalito Gapas  ay natalaga naman bilang OIC ng  Office of the Deputy Commander  ng  APC-Northern Luzon.  

Samantalang si PCol. Villamor Tuliao ay mag-si­silbi namang OIC sa EPD, na pumalit kay Asueta habang si PCol. Josefino Ligan ay  OIC naman ng  NPD na humalili sa binakanteng puwesto ni Gapas.

Ayon sa binalasang mga opisyal handa sila sa panibagong hamon sa kanilang career.

Inihayag ng PNP Chief na ang pagbabalasa ay kinakailangan para mai-posisyon ang mga opisyal sa panibago ng mga itong assignments at normal lamang ito sa organisasyon ng pambansang pulisya.  

Show comments