MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na ibabalik niya ang benepisyong nakalaan sa mga Manilenyo partikular ang mga para sa senior citizens.
Ayon kay Moreno, nakakalungkot na malaman at makatanggap ng balita na tila nalilimutan ang benepisyo ng mga senior.
Aniya gagawin niyang retro active ang benepisyo ng mga senior dahil ito ay nakalaan sa kanila.
Masakit man sa kanyang kalooban na kalabanin si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na itinuring niyang kapatid, mas nanaig sa kanya ang kanyang responsibilidad sa Maynila.
Maraming proyekto ang hindi naipagpatuloy na para sana sa taga- Maynila.
Gayunman, sinabi ni Moreno na ang Manilenyo pa rin ang maghuhusga at pagtutuunan lamang niya ay ang paglilinis at pagpapaunlad sa Maynila