Mayor Wes naghain ng reelection bid, 1 pang Gatchalian susubok sa Kongreso

MANILA, Philippines — Naghain na ng kanyang reelection bid si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian kahapon ng  umaga habang isa pang  Gatchalian ang  magtatangkang  maging Kongresista.

Bago  maghain ng kanyang  Certificate of Candidacy, dumalo muna  sa isang misa si  Mayor Wes kasama ang  Tuloy ang  Progreso Team  saka dumiretso sa  Commission on Elections (Comelec)  sa loob ng Alert Multipurpose Hall, Valenzuela City.

Suportado si Mayor Wes ng kanyang asawa at pamilya. Magiging running mate niya si Marlon Alejandrino.

Samantala, naghain din ng kanyang COC si Kenneth Gatchalian sa pagkakongresista sa 1st district ng Valenzuela sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.

Bagama’t neophyte sa pulitika, sisikapin ni Kenneth na makaupo sa Kongreso kapalit ng kanyang  kapatid na si Rex Gatchalian na itinalaga ni Pangulong Ferdinand “ Bongbong” Marcos Jr.  na kalihim ng Department of Social Welfare and Development 2nd district naman ng lungsod ang target ng misis ni Rep. Eric Martinez na si Katherine na isang dentist.

Layon ni Katherine na bigyan prayoridad ang kapakanan ng mga healthcare workers. Makakalaban niya si Councilor Gerald Galang.

Show comments