MANILA, Philippines — Pinahahakot na ng Malabon LGU ang mga tambak na basura sa iba’t ibang lugar sa Lungsod partikular sa Malabon Central Market na nakakaapekto sa kalusugan mga mamimili at mga residente.
Ayon kay Malabon City Administrator Dr. Alexander Rosete, nakikipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng MCM upang agad na mahakot ang mga basura sa paligid nito na inirereklamo na rin ng mga mamimili.
Ani Rosete, halos hindi makaya ng mga mamimili ang nakasusulasok na amoy ng basura sa nasabing pamilihan.
Sa katunayan aniya, nagpadala na ng sulat ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa MCM kung saan binibigyan sila ng 24 oras upang hakutin ang mga basura.
Sinabi ni Rosete na patuloy ang programa at operasyon ng Malabon LGU sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval upang mapanatiling malinis ang bawat sulok ng Malabon.
Kasama na rito ang mga mamimili at mga nagtitinda na nangamba sa kanilang kalusugan at maging sa kanilang trabaho” ani Rosete.
Bagamat ang isyu ay nasa pamamahala ng palengke, sinabi ni Rosete na responsibilidad nilang mapanatiling malinis ang kanilang lugar.