Stepdad timbog sa pagiging utak sa pamamaril sa 2 stepson

Sa ulat kahapon ng Parañaque City Police Station, dinakip si alyas “Virgilio”, alas-11:00 ng umaga sa kaniyang tahanan sa John Paul St., Parañaque.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Timbog ang isang 52-anyos na stepfather na itinurong utak sa pagkamatay ng isa at pagkasugat ng isa pa niyang stepson , sa Parañaque City ka­makailan.

Sa ulat kahapon ng Parañaque City Police Station, dinakip si alyas “Virgilio”, alas-11:00 ng umaga sa kaniyang tahanan sa John Paul St., Parañaque.

Namatay sa pamamaril si alyas “Kurt”, 28-anyos; at pagkasugat naman ni alyas “Kirby”, 26, ang magkapatid na stepson ng suspek.

Ang krimen ay naganap noong Agosto 31 ala-1:45 ng madaling araw sa loob ng isang ang residential village sa Parañaque.

Pwersahang pinasok ng nasa anim na armadong kalalakihan ang bahay ng magkapatid at pinagbabaril ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ni Kurt.

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang itim na SUV na hindi naplakahan dala ang mga ninakaw umano sa nasabing bahay.

Sa malalimang imbestigasyon ang mga ebidensiya ay pawang nagtuturo sa suspek na mastermind sa nasabing krimen .

Sa pamamagitan ng impormante, natunton si Virgilio kaya agad naaresto.

Nangako naman si Southern Police District Director P/ Brig. Ge­neral Leon Victor Rosete na gagawin ang lahat ng paraan upang madakip ang mga nakalalayang suspek sa kasong ito.

Show comments