100 PDLs mula Bilibid inilipat na sa Sablayan Prison

Undated photo shows of New Bilibid Prison in Muntinlupa City.
Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Nasa 100 pang persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang inilipat sa Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Ayon kay Bucor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ­umabot na sa 7,579 ang bilang ng mga PDL na inilipat mula sa NBP patungo sa iba’t ibang operating prison at penal farm.

Ang grupo ay umalis sa Batangas port bandang alas-4:00 ng hapon at duma­ting sa SPPF bandang alas-10:00 ng gabi ng Agosto 2.

Nitong nakaraang buwan, 500 PDLs din ang inilipat sa SPPF bilang bahagi ng tuluy-tuloy na decongestion program ng BuCor at paghahanda para sa tuluyang pagsasara ng NBP bago ang 2028.

Show comments