2 motor taxi rider suma-sideline na snatcher, arestado

Tumanggi na muna ang pulisya na pangalanan ang mga suspek, na sinasabing mga lehitimong miyembro ng ride hailing app, na ginagamit nila upang maisagawa ang kanilang ilegal na aktibidad.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Ibu-book ang sarili saka mambibiktima

MANILA, Philippines — Dalawang motor taxi riders na suma-sideline umano bilang snatchers, ang naaresto ng San Juan City Police awtoridad sa isang follow-up operation sa Sampaloc, Manila kamakalawa.

Tumanggi na muna ang pulisya na pangalanan ang mga suspek, na sinasabing mga lehitimong miyembro ng ride hailing app, na ginagamit nila upang maisagawa ang kanilang ilegal na aktibidad.

Batay sa ulat, lumilitaw na nagkasa ang mga awtoridad ng operasyon sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City nitong Huwebes ng hapon, matapos na mambiktima muli ang mga suspek noong Miyerkules ng gabi.

Matapos ang backtracking, natunton at naaresto ang mga suspek sa area ng Sampaloc, Maynila.

Nang maaresto, positibong kinilala ng biktima ang mga suspek, na siyang nanghablot ng kanyang bag at pati ang motorsiklo na kanilang ginamit.

Show comments