MANILA, Philippines — Inihayag ng Valenzuela City Hall na tuluy-tuloy ang kanilang pangangalaga sa kalusugan ng mga senior citizens sa lungsod kung saan muling isasagawa ng City Health Office ang anti-pneumonia vaccine roll-out.
Sa pamamagitan ng VCVaxPlus’ Project, “Vaccination at the Parks”, layon ng programa na mapabuti ang accessibility at magbigay ng mga libreng bakuna sa mga senior citizen na madaling kapitan ng respiratory diseases.
Ang mga senior citizen na may edad 60 pataas ay maaaring magkakuha ng libreng pneumococcal vaccination sites ngayon, Hunyo 10 at bukas, Huyo 11 at Hunyo 13-14 sa Family Park mula 9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Itinakda rin sa Polo Park sa Hunyo 17-21 at Hunyo 24-28 sa People’s Park. Kailangan lamang dalhin ng mga seniors ang kanilang Valenzuela City Office of the Citizens Affair (OSCA) identification card, medical clearance (para sa mga may comorbidity), at pneumonia vaccine card (kung mayroon man).
Paalala ng Valenzuela City Health Office na ang mga senior citizen lamang na papayagang makatanggap ng bakuna ay walang mga sintomas gaya ng ubo, sipon, lagnat, pananakit ng lalamunan, o iba pang sintomas ng trangkaso, hindi kasalukuyang umiinom ng mga antibacterial o steroid, hindi nabakunahan ng iba pang mga bakuna sa loob ng huling 14 araw o 2 linggo at hindi nakatanggap ng bakunang Pneumococcal sa loob ng huling 5 taon.
Ipapatupad ang first-come, first-served policy dahil sa limitadong supply ng bakuna. Para sa mga katanungan tungkol sa pangangasiwa ng bakuna, mag-email sa vcvax2021@gmail.com o tumawag sa CESU Hotline sa 137-160.