10 Chinese, timbog sa pagdukot sa 7 Pinoy

Dakong alas 4:50 ng madaling araw nang salakayin ng CIDG ang isang bahay sa Multinational Village, Barangay Moonwalk, Parañaque City at mailigtas ang mga biktima.
STAR/ File

sangkot din sa love scam, crypto fraud

MANILA, Philippines — Arestado sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region ang 10  Chinese nationals na sangkot sa pagdukot sa pitong Pinoy sa Parañaque City.

Dakong alas 4:50 ng madaling araw nang salakayin ng CIDG ang isang bahay sa Multinational Village, Barangay Moonwalk, Parañaque City at mailigtas ang mga biktima.

Sinabi ni PNP-Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, agad na isinagawa ang rescue operation nang makatanggap ng impormasyon ang PNP na may mga kasambahay na pinipigilan ng mga Chinese na makaalis ng bahay.

“Gusto na nilang umalis subalit sila ay pinipigilan,” ani Fajardo.

Nabatid kay Fajardo na pinupuwersa ng mga Chinese ang mga Pinoy na gumawa ng scamming activities kabilang ang “love scam” at cryptocurrency fraud.

Narekober naman ng pulisya ang dalawang baril, mga bala, 17 cell phones, limang  computer desktops, tatlong laptops, mga passports at iba’t ibang IDs.

Nahaharap sa kasong kidnapping, serious illegal detention, qualified trafficking in persons, illegal gambling, illegal possession of firearms and ammunition at violation of Republic Act 8484, o Access Devices Regulation Act ang 10 Tsino.

Show comments