Ilang kalsada sa Makati, isasara sa food festival

MANILA, Philippines — Nag-abiso sa mga motorista ang Pamahalaang Lungsod Ng Makati na iwasan ang ilang kalsadang isasara dahil isasagawang Thailand-Philippines street food festival.

Tatagal ang pansamantalang road closure simula Abril 5, simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi hanggang sa Abril 7, 2024, sa Rada Street mula Gamboa st hanggang Dela Rosa St.

Pinapayuhan ang mga motorista na mang­gagaling ng Gamboa St. na kumanan sa Legazpi St. hanggang makarating sa kani-kanilang destinasyon.

Bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang ng “75th Jubilee Celebration” ng diplomatic ties ng Thailand at Pilipinas.

Show comments