8-anyos hinalay ng itinuturing na lolo

MANILA, Philippines — Isang 8-anyos na batang babae ang iniulat na hinalay ng isang 38-anyos na suspect na itinuturing niyang lolo sa Taguig City.

Nadakip naman ng mga tauhan ng  Southern Police District (SPD) ang suspect na si alyas Eugene, sa ikinasang operasyon sa Barangay Western Bicutan.

Ayon pa sa pulisya na ang suspect ay sinasabing  live-in partner ng stepmother ng kanyang tatay na tumitigil sa kanilag bahay.

Itinanggi naman ng suspect ang paratang sa kanya. Kasalukuyan na itong nasa kustodya ng Taguig police station at nahaharap sa kasong  statutory rape.

Show comments