Pinaigting na suporta sa LGBTQIA+ tiniyak ni Mayor Joy

Mayor Joy Belmonte
QC Mayor Joy Belmonte / Facebook Page

MANILA, Philippines — Ipinangako ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanyang patuloy na suporta at pakikipaglaban sa karapatan ng Rainbow Community sa lungsod.

Ito ay sinabi ni Mayor Belmonte nang pangunahan ang ginanap na commitment ceremony ng may 210 LGBTQIA+ couples sa QC.

Sa unang pagkakataon, naipamahagi na rin ang Right to Care card ng QC LGU sa unang batch ng 15 LGBTQIA+ couples . Ito ang magbibigay sa kanila ng karapatan na magdesisyon sa usapin ng kalusugan ng bawat isa.

Si Mayor Belmonte ang nagsilbing main sponsor ng commitment ceremony kasama sina Councilors Wency Lagumbay, Nanette Daza, Alfred Vargas,  Sami Neri at  Outright Action International and Anti-Discrimination Rights Champion Ging Cristobal, LGBTQIA+ couple na sina Cayser Estrada at Michael Enriquez.

Show comments