MANILA, Philippines — x
kabilang sa kinasuhan sa Quezon City Municipal at Regional Trial Court ang mga opisyales ng Decarich Supertrade, Inc. at Redington Corporation, at maging isang indipendiyenteng accountant ng Decarich.
Ito ay base sa resulta ng isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), na natuklasan na naglalabas at nagpapakalat ang mga kumpanya ng mga pekeng rebiso at invoices.
Inirekomendang kasuhan sa QC RTC ang mga opisyal ng dalawang kumpanya ng mga kasong: “Attempt to Evade or Defeat Tax; Willful Failure to Supply Correct and Accurate Information in Income Tax Returns.”
Ngunit sinabi ng DOJ na kailangan pa ng dagdag na mga imbestigasyon laban sa mga “ghost/fly-by-night corporations” kabilang ang kanilang mga “buyer companies” dahil sa posibleng paglabag sa mga probisyon ng National Internal Revenue Code (NIRC) of 1779 at iba pang batas.
Ang mga kaso ay nag-ugat sa reklamong inihain ng BIR laban sa mga kumpanya noong nakaraang taon sa ilalim ng programa nilang “Run After Fake Transactions (RAFT)”.