MANILA, Philippines — Magpapatupad simula ngayon (Feb. 13) ng kakarampot na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa matapos ang may limang lingong sunod sunod na oil price hike.
Sa anunsyo ng CleanFuel, SeaOil at Shell, magkakaroon ng pagbaba ang presyo ng kanilang produktong diesel ng may 10 sentimos kada litro, 60 centavos na baba kada litro sa presyo ng gasolina at 40 centavos kada litro sa presyo ng kerosene.
Ang oil price adjustment ay sinasabing batay sa lingguhang galaw ng presyo ng petrolyo sa merkado.
Gayunman, ilang petroleum users naman ang nagsabing kakarampot lamang ang naibabang presyo ng mga produktong petrolyo, gayung sobrang taas presyo naman ang naipatupad sa nagdaang limang sunod na linggong oil price hike.