MANILA, Philippines — Namahagi ang Parañaque City government ng mga musical instruments sa Drum at Lyre Corps ng 27 pampublikong paaralan sa lungsod noong Biyernes, Enero 26.
Pinangunahan nina Mayor Eric Olivarez at Councilor Marvin Santos ang pamamahagi ng mga instrumentong pangmusika sa Fortuna Village Multi-purpose gym sa Barangay San Isidro, Parañaque City.
Sinabi ni Olivarez na ang mga instrumentong pangmusika ay makatutulong sa Drum and Lyre Corps sa pagtataguyod ng musika sa lungsod.
Kasama rin nila sina Congressman Edwin Olivarez at Local School Board Head Rhodora Villar sa nasabing event.