Taas-bawas sa petrolyo, nakaamba

MANILA, Philippines — Inaasahang magpapatupad ng magkakaibang galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa kung saan maaaring bumaba ang halaga ng diesel at kerosene, habang posibleng tumaas naman ang sa gasolina, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sinabi ni Rino Abad, director ng DOE Oil Industry Management Bureau, na maaaring umabot sa P1 kada litro ang magiging rolbak sa diesel at kerosene na magdi-depende pa rin sa takbo ng trading nitong Biyernes.

Para sa gasolina, inaasahan na tataas ito na aabot sa P.50 sentimos kada litro, ayon pa kay Abad.

Nilinaw rin ng opisyal na pawang ispekulas­yon lamang ang sinasabing epekto sa pres­yo ng langis sa gusot na nangyayari ngayon sa Israel. Ipinaliwanag niya na hindi naman sangkot sa malaking supply ng langis ang Israel at halos hindi ito nasa radar ng mga oil supplier.

Bukod pa dito, hindi rin nag-iimport ang Pilipinas ng kahit anong produktong petrolyo sa Israel.

Show comments