MANILA, Philippines — Nadiskubre ng mga drug enforcers agents sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City ng limang abandonadong pakete na naglalaman ng 8,446 piraso ng ecstasy at 924 gramong sangkap nito na nagkakahalaga ng nasa P14,358,200, kamakalawa ng hapon.
Nakuha ang mga iligal na droga na nakasiksik sa ibat-ibang pakete sa CMEC ng buksan nila ang mga abandonadong kagamitan sa dito.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung tunay ang mga pangalan at address dito sa bansa ng mga consignees ng mga pinagbabawal na gamot.
Hindi na nagbigay ng iba pang detalya ang mga drug enforcers kung paano nila natuklasan ang abandonadong mga pakete sa CMEC ang mga nakuhang mga iligal na droga ay nasa pag-iingat na PDEA.