Ex-Manila vice mayor Lacuna, pumanaw na

MANILA, Philippines —Pumanaw na sa edad na 85 si dating Manila City Vice Mayor Danilo Lacuna, ama ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Inanunsyo kahapon mismo ni Mayor Lacuna-Pangan ang pagpanaw ng kaniyang ama nitong Linggo ng umaga, kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay.

“It is with immeasurable sadness that we announce the death of Hon. Danilo Bautista Lacuna, Former Vice Mayor of Manila,” saad ni Mayor Lacuna-Pangan sa kaniyang Facebook page.

“A man of great service and compassion, Danny touched many, creating life which spans further than just his hears and into the hearts of us all qhere he will remain forever,” dagdag niya. Nagsilbing konsehal ng Maynila si Lacuna mula 1968-1975 at naging bise alkalde ng siyudad noong 1970-71, 1988-92 at 1998-2007.  Ilang beses din siyang tumakbong kandidato bilang alkalde ngunit nabigo.

Bukod kay Mayor Honey, naulila ni Lacuna ang asawa niyang si Melanie “Inday”, at iba pang anak na sina Lei, Dennis, Liza at Philip.

Show comments