MANILA, Philippines — May kabuuang 160 mag-partner ang nakiisa sa ginanap na “Kasalang Bayan” sa Maynila kahapon.
Ginanap ang mass wedding ng 60 couples sa San Agustin Church, habang 100 mag-asawa ang nagbuklod sa kanilang pagsasama sa isang civil wedding sa Pamantasan Lungsod ng Maynila (PLM).
Ang dalawang seremonya ng kasal ay bahagi ng Manila June Bride, na isang sponsored wedding project ng pamahalaang lungsod para sa mga mag-asawa para maselyuhan ang kanilang pagsasama.
Sina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor John Marvin “Yul” Servo Nieto ang dumalo sa mga seremonya ng kasal.
Ito ay kabilang sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila, na inorgnisa ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila.