MANILA, Philippines — Sinuspinde ang panghapong face- to-face classes sa may 42 paaralan sa Quezon City, makaraang maitala ang lakas na intensity 4 na lindol kahapon ng umaga.
Ayon kay Dr. Carleen Sedilla ng QC Schools Division Office, batay sa DepEd Order no. 37 series of 2022 ang Guidelines sa pagkakansela o pagsususpinde ng klase, sa Intensity 5 lamang ipinatutupad ang automatic suspension ng klase.
Anya, dahil Intensity 4 naman ang naramdaman sa Quezon City, pinahintulutan na ang mga principal ng pampublikong paaralan sa lungsod na magpasya sa pagsuspinde n klase batay sa rekomendasyon ng QC Disaster Risk Reduction Management Council (QCDRRMC).