UPCAT, bumalik na!

Ang mga nagtapos ng senior high school sa ibat-ibang paaralan na kumuha ng UPCAT sa UP Diliman kahapon. Muling nagbalik ang UPCAT matapos ang may tatlong taong pandemya.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Naging pangkalahatang maayos ang unang araw ng muling pagbabalik ng face-to-face UP College Admission Test (UPCAT) para sa academic year 2024- 2025 matapos na matigil ito simula 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Nagpabagal lang ito sa daloy ng mga sasakyan na pumapasok sa UP Diliman.

Karamihan ay inihatid pa ng kanilang mga magulang.

Naka-deploy pa rin ang operatiba ng UP police na tumutulong sa pagmamando ng daloy ng trapiko at nagtuturo ng direksyon ng mga kukuha ng Upcat.

Show comments