Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

MANILA, Philippines — Ipinanawagan ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang responsableng pagmamay-ari ng baril kasabay ng pakikiisa niya sa Association of Firearms and Ammunition Dealers, Inc. (AFAD) sa paglaban sa loose firearms at gun safety.

Si Dela Rosa ang na­ging special guest sa pag­­­bubukas ng 29th AFAD Defense and Spor­ting Arms Show sa SMX Con­vention sa Pasay City no­ong Huwebes.

“Dapat patuloy nating turuan ang ating mga netizen tungkol sa pagmamay-ari ng baril,” wika ng Senador. “Ating i-propagate nang husto ang responsible gun ownership. Kung lahat tayo ay magiging responsable, mas marami ang magiging miyembro ng ating society na may-ari ng baril hindi lang mga simpleng hob­byist at sportsmen.”

Kinikilala rin ni Dela Rosa ang kontribusyon ng industriya ng armas hindi lamang para sa paglikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino kundi maging sa paglago ng ekonomiya sa pangkalahatan.

Ang anak na babae ng dating Philippine National Police (PNP) Chief at manugang ay pawang mga champion shooters.

Nagpasalamat si AFAD president Alaric Topacio kay Dela Rosa at sa iba pang mambabatas at iba’t ibang ahensyang nagpapatupad ng batas sa patuloy na pagsuporta sa industriya at pagtulong sa lokal na tagagawa at importer.

Show comments