MANILA, Philippines — May arawang water service interruptions na mararanasan ngayong linggong ito hanggang sa May 16, 2023 sa mga kostumer ng Maynilad Water sa Metro Manila at Cavite area.
Ayon sa Maynilad, ang water interruptions ay dulot ng bumabang water production mula sa nakukuhang raw water sa Laguna Lake at dulot ng leak sa “ultrafiltration backwash valve” ng Putatan Water Treatment Plant 2 dahil sa naging exposure nito sa highly turbid raw water.
Ang water service interruptions ay mararanasan sa bahagi ng Las Piñas City, Muntinlupa City, Parañaque City, Pasay City, Bacoor City, Cavite City, Imus City, Noveleta, Cavite at Rosario, Cavite.
Hinikayat ng Maynilad ang mga kostumer na oras na magbalik ang suplay ng tubig ay hayaan muna itong dumaloy hanggang makitang malinaw na ang kulay nito.