Number coding suspendido sa Biyernes

Motorists and commuters experience a bumper-to-bumper traffic along the southbound lane of EDSA in Quezon City on April 11, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ng number coding sa darating na Biyernes, dahil sa obserbasyon sa Eid’l Fitr o Piyesta ng Ramadan.

Ito ay bilang pagsunod sa inilabas na Proclamation No. 201 ng Malacañang na nagdedeklara sa Abril 21 bilang regular holiday dahil sa Ramadan.

Naglabas na rin ng Facebook post sa kanilang page ang MMDA para sa pansamantalang suspensyon ng number coding scheme upang gabayan ang mga motorista.

Dahil dito, para sa mga may plano na magbakasyon sa darating na bagong long weekend, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na planu­hing mabuti ang kanilang biyahe at maging maingat sa pagmamaneho para makaiwas sa aksidente.

Ang Eid’l Fitr ang hudyat ng pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno dahil sa Ramadan na isinasagawa ng lahat ng Muslim sa buong mundo.

Show comments