Mga programa ng Quezon City , umani ng mga pagkilala

Undated photo release shows the exterior of the Quezon City Hall.

MANILA, Philippines — Umani ng iba’t-ibang international at local awards ang Quezon City government para sa episyenteng serbisyo at programa para sa kanilang mga constituents sa pamamagitan ng smart at innovative solutions at mga practices.

Nabatid na ang Facebook page ng city government na pinapangasiwaan ng Public Affairs and Information Services Department ay nakakuha ng Gold bilang Most Innovative Facebook Page sa 2023 Asia-Pacific Stevie Awards, na ikinukonsidera bilang world’s premier business awards.

Ito ay ang kauna-unahang international award ng PAISD.

Ang parangal at inianunsiyo sa official website ng Stevie Awards, na siyang nagkakaloob ng pagkilala para sa mga achievement sa workplace sa nakalipas na 21 taon.

“Being recognized by an international award-giving body is a tremendous honor for our city. This is a part of our aim to provide timely and valuable information to our constituents through social media. This award is a testament of the quality of work that we provide our QCitizens,” ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.

Ang mga Gold, Silver, at Bronze Stevie Award winners ay tinukoy sa pamamagitan ng kanilang average score mula sa mahigit 150 professionals sa buong mundo.  Isasagawa ang pagdiriwang sa isang virtual ceremony sa Hunyo 27.

Noong Marso 30 naman, iginawad ng International Climate Development Institute and ICLEI – Local Governments for Sustainability ang Best Practice of Innovative Technology award sa recyclable waste trading program ng QC na “Trash to Cashback” para sa kanilang outstanding performance sa 2022 Global Smart Solution Report.

Naiuwi rin naman ng lungsod ang apat na awards at citations mula sa Digital Governance Awards ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Ang Automated Document Delivery System naman ng lungsod ang nanguna sa Business Empowerment (G2B) City Level category, habang ang QC Biz Easy: Online Unified Business Permit Application System naman ang pumangalawa sa Government Internal Operations (G2G) City Level category.

Ang QC E-Services naman ay pumangatlo sa ilalim ng Customer Empower (G2C) City Level classification.

Nakatanggap din ang QC ng Special Citation Award para sa Automated Document Delivery System sa ilalim ng Transformational and Disruptive Solutions City Level category.

Samantala, ang mga urban farmer leaders ng lungsod sa ilalim ng Grow QC program ang tumanggap ng parangal sa Vietnam International Achiever Awards.

Ang Urban Farmers Federation, na isa sa accredited people’s organizations ng lungsod sa pamumuno ni Henry Giron, ay pinangalanan bilang Asia’s Most Innovative Urban Gardening of the New Millennium para sa kanilang commitment sa pagtiyak ng food security bilang suporta sa mga ­inisyatiba ng local government.

Show comments